2 bus nagsalpukan, 4 tepok

NASAWI ang apat katao habang 27 naman ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang bus sa Matnog, Sorsogon, madaling-araw ng Huwebes, Marso 10.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang 12:30 am, nang magbungguan ang Eagle Star bus at Silver Star bus sa Barangay Pawa Matnog, Sorsogon.

Nabatid na nag-overtake ang Eagle Star Bus sa Philtranco patungong Sorsogon nang makasalubong at masalpok ang Silver Star bus.

Agad na dinala sa pinakamalapit na punerarya ang apat na mga nasawi na hindi pa alam ang pagkakakilanlan at isinugod naman ang ilang mga biktima sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital na kinilalang sina Nelia Uso, 19; Nolasco Basubas, 62 ng Isabela; Mae Ann Dalida, 5 at Angie Dalida, 40 ng Bucaue, Bulacan; Lega De Lima 16; Ricky Boy De Lima, 19; Rosario De Lima ng St. Bernard Leyte; at Reynante Tarabago, 43 ng Roxas Southern Leyte.

Inaalam pa sa kasalukuyan kung saang ospital dinala ang ilan pang biktima. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply