2 hinihinalang holdaper utas sa engwentro

TUMIMBUWANG sa kalye ang dalawa sa tatlong pinaghihinalaang holdaper, matapos umanong tangkaing manlaban sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD), Miyerkules ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang umano’y mga holdaper na sina alyas “Benjie”, 25-30 anyos;  nakasuot ng kulay puting t-shirt; maong na short pants;  may tattoo sa kanang braso na “Live for Nothing” at naka suot ng kulay itim na tsinelas at si Ian Murong, 25-28 anyos; nakasuot ng puting sleeveless  na t-shirt; naka-pambasketbol na shortsna kulay green na may itim sa tagiliran na kapwa dating nakatira sa Antipolo St. sa Tondo at nalipat ang mga ito sa Lambakin sa Marilao Ressetlement sa Bulacan.

Ang dalawa ay parehong armado ng kalibre 38 baril na snub nose.

Sa ulat na isinumite kay Sr.Insp. Armando Macaraeg, MPD-Homicide Section, dakong 9:00 ng gabi nang kapwa tumimbuwang ang dalawa matapos umanong tangkain manlaban kina P/Insp. Eduardo Morata,Blk. Commander ng MPD-Blumentritt Police Community Precinct ng Sra. Cruz Police Station 3 sa F. Yuseco St., malapit sa SM San Lazaro.

Nauna rito, nagkatanggap ng tawag ang opisina ng Blumentritt PCP, hinggil sa aktibidades ng mga suspek, dahil malimit ang holdapan sa paligid ng SM San Lazaro.

Dahil dito, ipinag-utos agad ni P/Supt. James Afalla na magsagawa ng pagmamanman si Insp. Morata at ang kanyang mga tauhan

Pagsapit ng gabi, namataan ng mga ito ang isang tricycle na umiikot sa paligid ng SM San Lazaro at dito na nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng pulis at ng mga pinaghihinalaang holdaper.

Nagtangkang manlaban ang mga suspek na bumaba pa ng tricycle kaya sila pinaputukan ng awtoridad.

Napag-alamang mga holdaper ang dalawang napatay ng mga operatiba na nambibiktima sa paligid ng naturang mall.

Samantala, dinala na sa St. Yvan Funeral Morgue ang dalawang bangkay para sa kaukulang awtopsiya, habang ang mga tauhan ni P/Supt. Afalla ay isasailalim sa masusing interogasyon ng MPD-Homicide Section. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply