2 holdapan, 5 suspek ang timbog sa Tondo

LIMANG katao ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District Station 7 matapos  ang magkahiwalay na holdapan sa Tondo, Maynila noong Miyerkules ng gabi.

Himas-rehas ang mga suspek na sina: Jercky Kim Balajadia, 25; Melvin Balajadia, Jason Bautista na pawang mga residente ng 1254 Tambunting St.,Sta. Cruz,Maynila; Winston ventura,18, ng Hermosa St.,Tondo, Maynila; at Carlito Juatas, 21, ng 258 Pag-ibig St., Tondo, Maynila.

Unang naaresto sina Jercy Kim, Balajadia at Bautista  ika-4:00 ng hapon ng Miyerkules matapos nilang holdapin ang biktimang si Melissa Fuentes ng 24 Ilang-Ilang St.,Valenzuela City.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na hinablot ng mga suspek ang bag ng biktima.

Hinabol ni Fuentes ang nanghablot kaya’t natawag ang pansin ng mga barangay tanod at ang punong barangay na si Romy Gomez.

Agad na rumesponde ang grupo ni Gomez, na may dalang baril, ngunit bago pa man ito mag-warning shot ay naunahan na siyang magpaputok ng suspek.

Nagsisigaw si Gomez ng “holdaper!” dahilan upang makihabol ang ibang residente at makorner ang mga suspek.

Narekober mula sa kanila ang .38 caliber revolver at apat na live ammos at 2 spent shells.

Samantala, sumunod na naaresto sina Ventura at Juatas dakong 11:30 ng gabi nang holdapin naman ang biktimang sina Christy Salupas,30,ng 279 4th Avenue Caloocan City at Analyn Joves, 28, ng Lot 12 Phase III-F2, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Nakuha naman ang dalawang balisong kina Ventura at Juatas.

Ayon sa mga awtoridad, posible umanong magkakasama ang mga lima dahil sa iisang lugar lamang ang panghoholdap ng mga ito.

Ang mga biktima ay pawang mga hinoldap sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue sa Tondo Maynila.

Nakatakda  namang sampahan ng kasong robbery-holdap at illegal possession of deadly weapon ang limang naarestong suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply