2 holdaper na nakamotorsiklo, sumalpok muntik matigok

KRITIKAL ang dalawang holdper na nakamotorsiklo makaraang sumalpok sa isang kotse sa pagmamadaling tumakas matapos mambiktima sa Pasay City kagabi.

Isinugod sa Pasay City General Hospital sanhi ng pinsala sa katawan ang mga suspek na sina John Mark Laxamana, 20, ng 2418 Libertad St., at Rosauro Espeleta, 25 ng 2445 Decena St., nang kapwa tumilapon sa sinasakyang motorsiklo (5638-DL) matapos salpukin ang hulihang bahagi ng kotse na pag-aari ni Dr. Andre Lawrence Tojino ng Manila Sanitarium Hospital.

Sa report ni PO3 Simon Respicio, Jr., ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, nakatayo sa gate ng kanilang bahay sa 166 San Juan St., Pasay si Timothy John Mendoza, 29, alas-12:20 ng hatinggabi hintuan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo saka puwersahang kinuha ang kanyang cellphone.

Subalit nanlaban ang biktima kaya nakatawag pansin sa mga nagpapatrulyang barangay tanod.

Sa pagnanais na takasan ang mga tanod ay mabilis na pinaharurot ng dalawa ang motor na sumalpok naman sa nakahintong kotse ni Tojino na nagresulta sa
kanilang pagkakadakip. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply