2 holdaper tepok sa parak

PATAY ang dalawang holdaper makaraang makaengkuwentro ang mga pulis sa Bulacan, gabi ng Martes, Marso 1.

Ayon sa report ng dzBB, sinabi ng pulisya na nagtangka pang tumakas ang mga suspek sa lugar kung saan sila gumawa ng krimen.

Batay kay Senior Superintendent Wendy Rosario, Bulacan police officer-in-charge, nakilala ang isa sa mga suspek si Jomar dela Cruz.

Batay pa sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente bandang 10 p.m. sa isang restawran sa Daang Maharlika, Pulilan, Bulacan.

Nakarekober ang mga pulis sa mga suspek ng anim na ID cards ng Indian nationals, at ang ginamit nilang motorsiklo. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply