2 impeach cases vs Merci ‘may basehan’ – Kamara

IDINEKLARANG “sufficient in grounds” ang dalawang impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrezsa pagdinig ng House committee on justice 12:30 p.m. ng Martes.

Pumabor ang mayorya ng komite, 42-12, sa unang reklamo na inihain ni dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros.

Sa ikalawang reklamo na inihain ng Bagong Alyansang Makabayan, 42 ang nagsabing sapat ang basehan upang ma-impeach ang Ombudsman samantalang 12 lamang ang kumontra.

Sa unang botohan ay si Deputy Speaker Erin Tañada ang naghain ng mosyon upang magbotohan, samantalang sa ikalawang reklamo naman si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

Tiniyak ni Iloilo Rep. Neil Tupas Jr., chairman ng komite, na “in a proper time” pag-iisahin ng komite ang dalawang impeachment complaint.

Bukas ay muling magpapatuloy ang marathon hearing ng komite.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply