2 ISAFP agent niratrat, 1 patay

NIRATRAT ng mga hindi nakilalang salarin ang dalawang ahente ng Military Intelligence Group ng Intelligence Section of the Armed Forces of the Philippines (MIG-ISAFP) habang sakay ng owner-type jeep, Miyerkules ng gabi sa Taguig City.

Batay sa imbestigasyon, pauwi na ang dalawa sa Bldg. 6, Unit 109, Meduim Rise Condominium, Maharlika Village, Taguig sakay ng owner-type jeep (DHD-812) nang tambangan ng mga salarin pasado alas-onse ng gabi.

Sa kabila ng mga tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan, hita at braso, nagawa pang makapagmaneho ni Harrison Untong Kamad, 38, patungo sa San Juan De Dios Hospital subalit minalas na bawian ng buhay ang kanyang kasamang si Saudi Uti, nasa hustong gulang, sanhi ng grabeng tama ng bala sa dibdib.

Nagawa umanong makipagpalitan ng putok si Kamad sa dala nitong kalibre .9mm na baril kaya nagawa nilang makatakas patungo sa nasabing pagamutan.

May hinala ang pulisya na posibleng niresbakan ang dalawa ng sindikatong kanilang nainguso sa pulisya bilang mga civilian agent at impormante ng mga pulis. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply