2 kano binoga sa Frankfurt airport, patay

TIGOK ang dalawang U.S. Airmen matapos barilin ng isang Kosovo National habang dalawa ang sugatan sa mismong paliparan ng Frankfurt, Germany.

Naganap ang pamamaril sa isang U.S. Army bus sa loob mismo ng nasabing airport.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang suspek na si Arif Uka, 21, ng Mitrovica, na kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

“Authorities in Kosovo believed they knew the identity of the suspected gunman but could not confirm it yet,” ito ang paglilinaw ni Kosovo Interior Minister Bajram Rexhepi.

Ayon kay Boris Rhein, Interior Minister ng Hesse State, pinaigting na rin ang seguridad sa nasabing lugar.

Samantala, kasalukuyan namang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawi sa insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply