2 lalaki sinalvage

KAPWA may busal sa bibig, may sugat sa dibdib at nababalutan ng packaging tape ang mga mukha, kamay at paa nang matagpuan ang dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang biktima na naman ng summary execution sa harap ng Geronimo Elementary School sa San Miguel, Maynila, Sabado ng madaling araw, Marso 12.

Base sa report ni Det. Edmundo Cabal, may hawak ng kaso, ang unang biktima ay tinatayang nasa edad 18-22, bilugan ang mukha, kayumanggi, balingkinitan, nakasuot ng t-shirt na kulay green na may imprentang “I was born lucky’” at camouflage na shorts habang ang ikalawang biktima ay nakasuot ng kulay brown na t-shirt na round neck na may tatak na mukha ni Dr. Jose Rizal at nasa edad 25-30, 4’11 at kulay kayumanggi. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply