2 low pressure naglaho

NAGLAHO na ang dalawang low pressure area (LPA) na namataan sa dalawang bahagi ng karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (Pagasa), humina ang dalawang LPA bunsod ng umiiral na weather system na sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Inaaasahan ang maiinit na weekend sa Northern at Southern Mindanao dahil wind convergence na lang ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Mananatili namang maulap sa Southern Luzon at Visayas dahil sa pagsasalubong na mga hangin mula sa magkakaibang direksyon.

Makararanas ng temperaturang  maglalaro lamang sa pagitan ng 22-31 degrees celsius. Remate Online

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply