2 menor de edad, 1 pa nawawala sa presinto

PERSONAL na nagtungo sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang mga pamilya ng tatlong lalaki na kinabibilangan ng dalawang menor de edad na umano’y hindi na nakita matapos sitahin dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Sampaloc, Maynila may isang linggo na ang nakalilipas.

Base sa kumpirmasyon ng imbestigador ng MPD-GAS na si PO2 Gilbert Isole,  ang tatlong lalaki ay nakilalang sina Mark Jimuel Balmores, 24, Ronaldo Santarin, 14, at Christian Laxamana, 17.

Ayon sa mga kamag-anak ng tatlo, noong Marso 14, dakong ala-1:00  ng madaling araw nang sitahin umano sila sa “Oplan Sita “ ng Gulod-PCP, sa panulukan ng J. Marzan at Loyola St., sa Sampaloc.

Nabatid na dinala umano ang tatlo sa MPD-Gulod- PCP nang walang maipakitang lisensiya at rehistro matapos mahuli dahil walang suot na helmet. Bawal dinang tatlong magkakaangkas sa isang motorsiklo.

Nabatid na sina SPO1 Edgar Agbuya at PO1 Jupiter Balea ang sumita sa tatlo at matapos umanong i-blotter ay pinakawalan na nila, ayon sa dalawang auxiliary na sina Reynaldo Carbunay, 25, at isang Robert de Guia, 34.

Sinasabi naman na ang nasabing motorsiklo ay nakita umano sa pangangalaga ng pulis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply