2-minute moment of silence isinagawa sa NZ

NAGLAAN ng dalawang minutong katahimikan ang buong bansa ng New Zealand upang gunitian ang nagdaang lindol sa Christchurch na kumitil sa buhay ng mahigit 150 katao, isang linggo na ang nakararaan.

Itinigil ng mga mamamayan ng naturang bansa ang kanilang mga gawain kabilang ang mga rescuers ng mga biktima ng lindol upang makiisa sa paggunita.

Bandang 12:51 local time, Martes ng hapon nang isagawa ang 2-minute moment of silence upang gunitain ang eksaktong oras ng maganap ang lindol

Pinangunahan ni Prime Minister John Key ang misa sa mismong labas ng gumuhong simbahan kung saan tinatayang 20 katao ang na-trap sa loob habang maririnig ang pag-iyak ng ilang mga kamag-anak na naging biktima ng trahedya.

“It’s very sad, this is an earthquake that’s claimed the lives of literally hundreds of people and that’s hard to put into words. This is a very dark moment for us but it’s a moment that we will rebuild from,” pahayag ni kay Key. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply