2 nang-onse na holdaper utas sa kasamahan

PATAY ang dalawang holdaper matapos pagbabarilin ng kapwa nila kawatan nang  magkaroon ng onsehan sa hatian ng kanilang mga nakulimbat sa Bagong Silang, Caloocan City.

Ang mga napatay ay sina Ronello Balderas, 24, construction worker, residente ng Phase 8-B Package 1, Block 34, Bagong Silang at Joselito Viray, 18.

Sa ulat ni Sr. Insp. Arleen Relos Bagasala, SS3 commander ganap na 8:30 ng gabi kahapon, Marso 21 nang magkaroon ng pagtatalo ang mga biktima at hindi nakilalang suspek nang hindi maipaliwanag ng mga napatay kung saan napunta ang ibang pera na kanilang nakulimbat.

Sa gitna ng pagtatalo ay bigla na lamang umalingawngaw ang dalawang putok ng baril at bumulagta ang dalawa.

Narekober sa lugar ng krimen ang dalawang slug ng hindi pa batid na kalibre ng baril, habang tinutugis na ang tumakas na salarin. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply