2 pamilya missing sa landslide sa Tacloban

NAWAWALA ang dalawang pamilya, hinihinalang patay na makaraang mabiktima ng landslide sa Tacloban, Marso 17.

Sinasabing ang flash flood at landslide ay sanhi ng dalawang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan.

Sa ulat ng DZMM, pitong magkakamag-anak ang nauna nawawala pa hinihinalang natabunan ng lupa sa Barangay Cabalawan, bandang hilaga ng Tacloban.

Isa pang pamilya ng lima ang pinaniniwalaang patay makaraang mawala rin sa nasabing kalamidad sa Barangay Nulapula.

Samantala, nastranded naman ang mga nasa V&G Subdivision sa nabanggit na lalawigan makaraang tumaas ang tubig-baha.

Lubog na rin ang ibang bahagi ng Samar, Misamis Oriental, Leyte at Southern Cotabato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply