2 parak nagbarilan, isa tumimbuwang

NAGWAKAS sa madugong trahedya ang matagal nang alitan ng dalawang pulis matapos magduwelo sa harapan mismo ng police station na nagresulta sa pagkamatay ng isa Lunes sa Muntinlupa City kagabi, Marso 14.

Naisugod pa sa Medical Center Muntinlupa si PO2 Ronald Natuel, nakatalaga sa Station Intelligence Section ng Muntinlupa police ng 1135 Amparo St., Barangay Poblacion subalit namatay din dakong 11 ng gabi habang nilalapatan ng lunas sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng kalibre .9mm sa ulo.

Sumuko naman ang suspeK na si PO2 Roberto Lanting, nakatalaga sa Criminal Investigation Section kay Muntinlupa police chief Supt. Eleazar Matta makaraan ang naganap na duwelo alas-6:55 ng gabi.

Nabatid na nagsimula ang alitan ng dalawa noon pang 2008 matapos magkapikunan nang tuksuhin umano ni Lanting si Natuel na iyakin.

Muling nag-krus ang landas ng dalawa kamakalawa nang sitahin ni Natuel si Lanting kung bakit ipinagkakalat na siya ay iyakin.

Naging mainit ang pagtatalo ng dalawa hanggang kapwa nagbunot ng kani-kanilang baril na nagresulta sa kanilang pagdu-duwelo.

Batay naman sa nakasaad sa spot report na isinumite nina SPO2 Ronnie Tamondong at SPO2 Rodel Torres, nagkaroon umano ng pag-aagawan sa baril ang dalawa matapos unang magbunot ng baril si Lanting hanggang sa pumutok at tumama sa ulo ni Natuel.

Kasong murder ang isinampa laban kay Lanting. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply