2 patay, 1 sugatan sa Payatas hold-up

PATAY ang dalawa katao, habang isa ang sugatan sa panghoholdap sa isang tricycle sa Payatas Quezon City.

Sinabi ni Senior Police Officer (SPO) 1 Remo Duro ng Quezon City Police Station Six na bandang 1:00 ng madaling-araw nang harangin ng pitong kabataang lalaki na armado ng sumpak ang tricycle na may mga pasahero, papunta ng Barangay Bagong Silangan.

Nang malaman umano ng mga suspek na pulis ang isa sa mga pasahero ng tricycle ay agad nagpaputok ang mga ito na ikinamatay ng pasaherong si Agusto Vilota.

Gumanti naman ng putok ang pulis na si Police Officer 1 Osorio Santos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Mobile Group at napatay ang isa sa mga suspek na si Rey Joseph Bartolome.

Nagtamo naman ng tama ng bala sa binti si Santos ngunit ligtas ang ibang pasahero ng tricycle at driver nito. Remate Online

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply