2 patay, 3 sugatan sa paglusob ng NPA sa Panabo City Poilice Station

DALAWA ang patay habang tatlong tauhan ng Philippine National Police ang malubhang nasugatan nang salakayin Sabado ng gabi, Marso 19, ng malaking pangkat ng mga rebeldeng New People’s Army ang Panabo City Police station sa lalawigan ng Davao del Norte.

Ayon kay PNP Spokesman,  P/Chief Supt Agrimero Cruz, dakong alas 10:15 ng gabi nang sumalakay ang hindi nadeterminang bilang ng mga rebelde lulan ng dalawang van.

Bagama’t argabyado sa bilang ay lumaban ang mga tauhan ng nasabing himpilan kayat hindi sila napasok ng mga kalaban subalit tatlo sa mga pulis ang naiwang sugatan.

Sinabi pa ni Cruz ng maramdaman ng mga rebeldeng NPA na parating na ang responde mula sa Davao Del Norte Provincial Police Office at Philippine Army 1003rd Brigade ay mabilis na umataras ang mga ito bitbit ang kanilang mga sugatang kasamahan.

Naniniwala si Cruz na marami din ang nalagas sa kanilang kalaban ayon sa impormasyong nakalap sa ilang residente na nadaanan ng mga umaatras na rebelde.

Niawan sa pinagyarihan ng sagupaan ang dalawang van na may sakay na 12 combat packs na ginamit ng mga rebelde

Patuloy ang sinasagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Philippine Army sa kabundukang bahagi ng nasabing lalawigan na pinaniniwalaang inatrasan ng mga ito. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply