2 patay, mag-asawa sugatan sa holdap

PATAY ang dalawang holdaper habang sugatan naman ang isang pulis at kanyang misis nang makipagbarilan sa dalawang namatay na tangkang holdapin sila  sa Batangas, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman, P/Chief Supt Agrimero Cruz, naganap ang pamamaril bandang 3 ng hapon ng Biyernes, Marso 18 sa N Gonzales St., Barangay Poblacion 3, Tanauan City, nabanggit na probinsiya.

Patay sa tama ng punglo ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki habang pinaghahanap pa ang nakatakas na kasamahan ng suspek.

Kinilalala naman ni Cruz ang mga sugatang biktima na sina Juanita Pineda Azucena at PO2 Joel Pindea Azucena.

Sa imbestigasyon, pauwi na ang dalawa sa kanilang bahay mula sa pag-withdraw ng pera na nagkakahalaga ng P830,000 sa Metro bank sakay ng Toyota Corrola  nang harangin sila ng tatlong suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad na binaril ang unahang gulong ng kotse.

Mabilis namang bumunot ng baril si PO2 Pineda at nakipagbarilan sa mga suspek dahilan ng pagkamatay ng dalawa pero pareho nilang ikinasugat ng asawa.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 Norinko pistol na may apat na live bullets, isang caliber 9mm  PT Taurus 92 model na may 7 bala at isang cellular phone. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply