2 sa ‘Morong 43’ naka-engkuwentro ng militar

SUGATAN sa 10-minutong bakbakan ang isang sundalo nang makasagupa ang grupo ng komunistang rebelde kabilang umano ang dalawa sa tinaguriang “Morong 43” sa Batangas province.

Ang sinasabing “Morong 43” ay ang 43 health workers na inaresto noong Pebrero nang nakaraang taon sa paghihinalang sila ay mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sinasabing dadalo sa isang bomb-making seminar sa Morong, Rizal.

Pinalaya sila noong nakaraang Disyembre ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III na nag-utos na ibasura ang kaso laban sa kanila sa dahilang hindi sila binigyan ng due process ng mga umarestong awtoridad.

Kinilala ni Col. Generoso Bolina, spokesman ng Southern Luzon Command ng militar, ang dalawa sa miyembro ng “Morong 43″ na umano’y kabilang sa naturang bakbakan na sina Janice Javier and Yolanda Yaon.

“The encounter happened because of the information from some residents saying that an armed group allegedly of Janice Javier and Yolanda Yaon established temporary encampment at Sitio Maragat-Ragat in Barangay Atugo in Balayan town,” pahayag na Bolina.

Ikinasa na ang hot-pursuit operations laban sa mga rebelde at sinabi ni Bolina na tatlong squad ang itinalaga sa bisinidad ng lugar ng pinangyarihang lugar. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply