2 salot na pabrika sa Carmona pinatitigil

IPINOPROTESTA ng mga residente ng Carmona, Cavite ang ginagawang pagsira ng mga pabrikang Golden Swan Products Corp. at Southwoods Container and Packaging Corp. na nasa loob ng subdibisyon sa Mt. View Industrial Park Annex sa Governor’s Drive, Brgy. Bangcal, Carmona, Cavite.

Sinisira ng mga pabrikang ito ang kapaligiran dahil sa matinding kontaminasyon sa tubig na lumalabas mula sa mga pabrika. Ang dahilan kung bakit ganito ay sa hindi umano pumapayag ang Industrial Subdivision na pumasok ang mga trak ng basura na makapasok sa gate.

Dahil dito, gumawa ang nasabing mga pabrika ng kanilang  sariling daan upang maiwasan ang gate ng Industrial Subdivision.

Ang resulta ay patuloy  pa rin ang  operasyon at pagsira sa kalikasan at ilog na nakapaligid sa mga pabrika.

Kaya nga nanawagan ang mga residente ng nasabing subdibisyon kay Gov. Jonvic Remulla at kay DENR Sec. Ramon Paje na patigilin ang Golden Swan Products Corp. at Southwoods Container  and Packaging Corp. sa kanilang operations.

O, Gov. Remulla, baka naman tutulog-tulog kayo sa  kapitolyo. Baka hindi ninyo alam na may dalawang pabrika sa Carmona na nagpapalabas ng kontaminadong tubig.

Nangangamba tuloy ang mga residente ng Mt.View Industrial Subd. na baka magkasakit sila sa itinatapong  kontaminadong tubig sa ilog ng pabrika.

SUGALAN SA EPD MAY BASBAS NI DD

Walang tigil ang paloteng ng mag-asawang  Cris at Rose sa Pasig, San Juan at Mandaluyong. Walang ipinagmamalaki ang mag-asawa kundi si EPD Dir. Gen. Francisco Manalo Jr. na nagbigay raw sa kanila ng go-signal sa Eastern.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog @yahoo. com. Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply