2 skul na nasa itaas ng west valley fault line ipinasasara

PARA sa kaligtasan ng mga estudyante, ipinasasara muna ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang dalawang public schools sa Barangay Bagong Silangan dahil nasa ibabaw ito ng  west valley fault line na posibleng tamaan ng lindol.

Mismong si Mayor Herbert Bautista ang nagrekomenda para ipasara  muna ang Bagong Silangan Elementary at High Schools kung saan umaabot sa 11,000 mga estudyante ang pumapasok dito.

Halos tapos na naman aniya ang pasukan at may sapat na panahon ang pamahalaang  lungsod na maihanap ng gusali na ligtas ang mga estudyante na ilikas kapag ipinalabas na ang closure order.

Ang Barangay Bagong Silangan ay isang urban poor community sa Quezon City at magugunitang binaha ito at sinalanta ng bagyong Ondoy noong 2009 kung saan 68 katao ang namatay.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaang lungsod ay nakipag–ugnayan na sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para matukoy ang mga pasilidad na nakatayo sa ibabaw ng  fault line, partikular ang mga eskuwelahan, mga ospital at day-care centers.

Maliban sa dalawang eskuwelahan sa Barangay Bagong Silangan, ipinasara rin ng alkalde ang SMILE CitiHomes sa Zabarte Road makaraang mapaulat na depektibo na rin ang nasabing ang istraktura. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply