2 suspek sa panununog ng bus sa Biliran, tiklo

NATIKLO ng pulisya ang dalawa sa mga suspek sa panununog ng dalawang Silver Star bus at pagpatay sa mga driver nito sa Almeria, Biliran.

Nadakip ang dalawa sa mga suspek sa isinagawang follow up operation ng kapulisan.
Tinatayang aabot ng pito hanggang siyam ang gumawa sa krimen.

Nahuli ang isang suspek na si Jesie Olidan, 23, ng Brgy. Macalpi, Carigara sa katabing probinsiya nitong Leyte. Nakuha sa kanya ang isang back pack na may lamang isang Samsung cellphone model E13608, isang motorstar na kulay na walang plaka at official receipt number.

Habang nasabat din sa checkpoint si Teodoro Macalalag alias “Tedie”, 26, ng Brgy. Candigahub, Carigara, City. Nakuha sa kanya ang isang cellphone, isang STX Yamaha Motorcyle na kulay pula na may plakang 6155HG na nakarehistro sa kanyang pangalan.

Matatandaang sinunog ang mga bus na pag-aari ng Silver Star Shuttle Tours Inc.
Hinihinalang pangingikil ng CPP/NPA ang dahilan ng pagsunog sa mga naturang bus. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply