2 trak nagsalpukan, driver sugatan

SUGATAN ang driver ng isang truck nang sumalpok sa isa pang malaking truck makaraang mawalan ng kontrol ang nakaidlip na biktima, madaling-araw ng Marso 2, sa Katipunan, Quezon City.

Nabatid na naipit sa kanyang minamanehong trak si Armando Ubang, driver makaarang sumalpok sa isang malaking trak.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakaidlip si Ubang kaya nawalan ng kontrol ang trak na tumawid pa sa isang lane kung saan nasalubong nito ang nakasalpukang isa pang malaking trak.

Ligtas na ang driver na si Ubang ngunit mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage property sa paglabas nito sa hospital.

Wala namang iba pang nasugatan sa insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply