2 drug pusher nalambat ng PDEA operatives

DIRETSO sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug dealer sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cotabato City.

Sa ulat ng PDEA Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kay PDEA Director General Jose Gutierrez Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Suharto Bagundang, alias “Esmael,” matapos makuhanan ito ng isang maliit na plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng 0.3 gramo ng shabu.

Ito ay matapos bumili sa kanya ang isang poseur-buyer ng PDEA sa kanto ng Sinsuat Ave. at Ramon Rabago Ave., Rosary Heights, Cotabato City, noong Marso 5, 2011.

Na-recover sa pag-iingat ng suspek ang isang unit ng black Honda XRM (9218 MC) at Nokia cell phone.

Si Bagundang ay hinihinalang kabilang sa Cotabato’s target-list ng drug personalities.

Samantala, nagsagawa ng operasyon ang PDEA-Zamboanga del Sur ng isang entrapment operation nitong nakalipas na March 4 sa Purok Makupa, Barangay Riverside, Tambulig, Zamboanga del Sur.

Naaresto ang suspek na si Nhorris Singson at nakumpiska ang isang plastic sachet na hinihinalang shabu at P300 marked bill.

Nahaharap si Singson sa kasong kriminal ng paglabag sa Section 5 o Sale of Dangerous Drugs, Article II of RA 9165.  Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply