20 milyon kontrabando, kinumpiska ng BOC

DALAWAMPUNG milyong halaga ng kontrabando ang kinumpiska ng Bureau of Customs na kinabibilangan ng mga mamamahaling bisikleta, rubber shoes at mga ukay-ukay sa utos ni Customs Commissioner Angelito Alvarez.

Nadiskubre umano ni Deputy commissioner Horacio Suansing Jr. na ang consignee ng nasabing kargamento, ang Stonesider Enterprises, ay nagbayad lamang ng napakababang halaga na P73,338 sa 102 pirasong kahon ng US-made Cannondale Bicycles sa complete-knockdown form(CKD).

Pinalabas umano ng Stonesider na ang mga bisikleta ay may duty-value lamang ng US50.00 o P250,000 para umiwas sa karampatang buwis na aabot sa halagang P2.5 milyon. Ang bawat canondale bike ay naibebenta sa bansa ng P50,000 hanggang P250,000.

Sa mga rubber shoes na Babolat na kinumpiska ng mga operatiba ng Enforcement Group, idineklara ng consignee nito na Technosports Inc. na ang halaga lamang ng nakumpiskang kargamento ay USD5,202.00 sa pagpapadala nito gayung ito ay naglalaman ng 918 pares ng US made Babolat tennis shoes na dineklarang USD5.67 bawat pares gayung binebenta ito sa lokal na merkado sa halagang P5,000 bawat pares.

Nasakote din ang 2 container van na una nang idineklarang tela at kasuotan ng consignee nitong Golden E-play Systems Inc.na pulos “ukay-ukay na ipinagbabawal na importasyon sa ilalim ng Republic Act No. 4653.

Ayon kay Commissioner Alvarez, ang mga ukay-ukay ay ilalaan sa DSWD sa panahon ng kalamidad. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply