20 Pinoy nailigtas sa pirata

DALAWAMPUNG Filipino international seafarers sakay ng isang Philippine flag merchant vessel ang nailigtas ng dalawang United State war ships sa mga pirata na sumalakay sa kanila habang naglalayag sa gitna ng karagatang sakop ng Arabian sea.

Ayon sa report na nakarating Department of National Defense at Armed Forces of the Philippine sa Camp Aguinaldo mula sa US Defense Department, sakay ang mga Filipinong tripulante ng Falcon Trader II, isang Philippine registered ocean-going vessel ng salakiyin sila ng mga hinihinalang pirata dakong alas-10:30 ng umaga araw ng Huwebes, Marso 24, sa Pilipinas.

Nabatid na nakatangap ng distrees call ang US Navy aircraft carrier USS Enterprise at ang  guided missile cruiser USS Leyte Gulf  mula sa Falcon Trader II na inaaakyat sila ng mga pirata sakay ng isang motorboat.

Sa pangalawang distress call ay sinasabing nakaakyat na ang mga pirata kaya nagtago ang mga seaman sa tinatawag nilang “citadel” o safe room na may imbak na pagkain, tubig at communication and control sa takbo ng sasakayan.

Nabatid na isang SH-60F helicopter na nakatalaga sa “Dragonslayers” ng Helicopter Anti-submarine Squadron 11 mula sa  Enterprise at SH-60B helicopter na nakatalaga naman sa “Vipers” ng  Helicopter Anti-Submarine Squadron Light 48 mula sa Leyte Gulf ang ipinadala para sumaklolo.

“The HS-11 helicopter fired warning shots to dissuade the pirates from continuing their attack. Two pirates were seen jumping off the Falcon Trader II’s bow, and the pirates’ skiff fled the area, pursued by the HS-11 helicopter,” ayon sa Defense Department.

Mabilis na tumakas ang mga pirata at bumalik sa kanilang nag aabaang na mothership kasabay ng pagpapaputok ng kanilang mga assault rifle sa mga rumespondeng US Navy.

“The anti-piracy training we had received kicked in, and everyone conducted themselves with poise and professionalism,” ayon pa sa ulat.

Magdamag na  binabantayan ng isang miyembro ng Leyte Gulf na bihasa sa Tagalong ang crew ng Falcon  Trader II para matiyak na wala ng naiwang pirata sa kanilang barko.

Kinabukasan  ay sinampa ng mga tauhan ng Leyte Gulf’s  ang Falcon trader upang magsagawa ng “visit, board, search and seizure” saka lamang pinayagan ang Pinoy na lumabas ng citadel. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply