20 Pinoy seamen na na-rescue sa Japan darating sa bansa ngayon

DARATING ngayong araw, Marso 16 ang 20-Filipino seafarer na na-stranded malapit sa nuclear plant sa Fukushima, Japan.

Batay sa ulat ni  Carmalita Dimzon, administrator ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) , ang 15-unang batch ay nakasakay na sa Flight CX 919 at darating ng 4:40 ng hapon ngayong araw sa Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA).

Samantala, ang ikalawang batch na limang tripulante ay darating ng 6:50 ng gabi sakay ng Flight CX 903.

Ang mga Filipino seamen ay sasalubungin ng kani-kanilang pamilya sa NAIA at ng kanilang manning agency, Mercury Shipping Corp sa pangunguna ng presidente nitong si Ericson Marquez na kumotak sa pamilya ng mga ito.

Ang pagbabalik ng 20-Filipino seafarer ay kinumpirma ni Dimzon at dadalhin para sa immigration at customs procedures.

Sakay ng isang bus papuntang Narita Airport ang mga tripulante dakong 3:30 ng madaling-araw ng Lunes, nang nanalasa ang 8.9 magnitude lindol kasunod ang tsunami.

Ang nabanggit na mga tripulanteng Pinoy ay nagtatrabaho sa cargo ship na “Coral Ring ” na naka-base sa Onahama, Japan. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply