20 tripulanteng Pinoy pinalaya na ng Somali pirate

PINALAYA na noong Sabado, Pebrero 26, ang 20 tripulanteng Filipino na nabihag ng apat na buwan ng Somali pirates, inihayag ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) ngayon, Martes, Marso 1.

Kumpirmado na umano ang pagpapalaya sa Panamanian-flagged cargo vessel na may 20 tripulanteng Pinoy.

Ang nasabing barko ay binihag sa loob ng apat na buwan.

Ayon pa sa DFA, ang mga naturang Pinoy seafarer ay sakay na ng MV Izumi, isang Japanese-owned na barko na tumutulak na pa-Mombasa sa Kenya, kung saan sila ililikas pabalik sa Pilipinas.

Ayon sa datos ng DFA, may 118 Filipino seafarers sa 11 barko ang bihag ng mga pirata. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply