20 tsunami waves naitala sa bansa

NAITALA ang may 20 tsunami waves sa bansa bago tuluyang tinanggal ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang tsunami alert sa 19 na lalawigan.

Nabatid kay Phivolcs Director Renato Solidum na wala naman umanong naitalang malaking pinsala sa nasabing tsunami wave.

Batay sa isinagawang monitoring ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), apat na beses na tumama ang tsunami wave sa San Vicente, Cagayan; apat sa Baler, Aurora; dalawa sa Legazpi, Albay; tatlo sa Catanduanes.

Habang sa Mindanao ay dalawang beses na humampas ang alon sa Mati, Davao Oriental at dalawa rin sa Davao City, kung saan tumama ang pinakahuling tsunami wave ganap na 8:44 kagabi.

Naitala naman sa Baler ang pinakamataas na alon na umabot sa dalawang talampakan at tatlong pulgada. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply