20 yrs sa serbisyo pero 1 month lang ang separation

TINATANONG ng isa sa mga reader natin kung may laban daw sila sa kaso kung sakaling irereklamo nila sa Labor ang kompanyang pinapasukan ng erpat nito.

Mantakin ninyo, mahigit sa 20 years na nagtrabaho sa isang kompanya ang erpat ng ating reader pagkatapos e, 1 month lang ang separation na ibabayad ng kompanya.

Makatarungan nga ba   na 1 month separation pay ang ibabayad ng employer sa kanyang trabahador na nagserbisyo ng 20 years? Tanging si Labor Sec. Rosalinda Baldoz ang makasasagot sa mga bagay na ito.

Para sa kabuuan ng detalye ay basahin natin ang reklamo ng anak ng trabahador.

Gud pm, Sir Johnny. Si Jhenel Berdal ng Bulawen, Palauig, Zambalez po ito. Ako ‘yung nag-text at tumawag sa iyo kahapon tungkol sa problema ng tatay ko. Mahigit 20 years siyang nag-work sa company  tapos 1 month lang ang separation niya. May laban ba kami? Mahirap lang kami, sir. Matanda na rin si tatay, kahit sana makakuha na lang siya ng puhunan na pangkabuhayan. Naubos na ang lakas ng tatay ko sa pagsisilbi. Naging isang h-warang tauhan. Sana ay tulungan ninyo kami, kasi sa darating na Sabado ay nakatakdang pirmahan niya ang retirement nito. Tatanggapin na lang ba ng tatay ko ang 1 month? Sana matulungan nyo kami. Salamat.

Bookies ng STL ni Don Ramon

Sa San Pablo, Laguna ang bookies ng STL ni Don Ramon (Ramon Bizuela) ang namamayagpag na kung saan ay milyones ang kinikita nito sa loob ng isang araw.

Para sa kaalaman ng lahat ay hindi ito ‘yung batang Don Ramon ng QC. Ang tinutukoy rito ay yung matandang Don Ramon ng San Pablo, Laguna.

Malawak na ang sentro ng operation ng bookies ng STL ni Don Ramon dahil bukod sa San Pablo ay na-pasok na rin niya ang lalawigan ng Quezon. (ITUTULOY)   – Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply