2,000 OFWs nagpaiwan sa Libya, 5,000 iba pa nawawala

KAHIT hinikat ng  gobyerno  na  umuwi na sa bansa, may  dalawang libo pang  mga medical at  medical technicians  sa Libya ang mas piniling magpaiwan doon.

Ito ang inihayag ni  Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Esteban Conejos sa ginanap na pagdinig ng  House Committee on Foreign on Middle East Preparedness Measures.

Inihayag ni Conejos sa komite na pinamumunuan ni 2nd district-Albay Rep. Al Francis Bichara na karamihan umano sa mga naiwan at naiipit sa giyera ay mga nurses at medical technicians na nasa malalaking ospital sa Tripoli at Benghazi.

Ayon kay  Conejos, sa ginawa nilang operasyon sa Libya ay ang mga domestic helpers ang siyang pinakamahirap hanapin.

Base sa record ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) mayroong 60,000 Filipino sa nasabing bansa at 98% dito ay pawang mga professionals at skilled workers.

Inihayag din nito sa komite na nagsagawa sila ng land, air, sea at naval evacuation para sa mga OFWs sa Tripoli at Benghazi at inumpisahan nila ito noong Marso 2 sa pamamagitan ng sea evacuation kung saan sa 2,000 OFWs  ay 665 lamang ang sumama sa kanila sakay ng barko at noong Marso 5 sa 1,500 OFWs ay 1,038 lamang ang sumamang pauwi sa Pilipinas.

Base pa sa record ng DFA, noong Marso 1 nagsagawa sila ng land evacuation kung saan sa 35 behikulo nilang ginamit ay 445 lamang ang sumakay at 567 ang mula sa Tripoli kung saan nakaranas sila ng pagkakulong ng halos dalawang oras matapos na panhikin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang bus na sinasakyan.

Sa pagtaya naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) mayroong 9,000 mga OFWs mula Libya ang dumating sa bansa subalit 14,000 ang umalis mula roon at hindi pa nila alam kung nasaan ang 5,000.

Sa pamamagitan  aniya ng chartered  flight ay iniuwi ang mga OFWs mula sa Libya sa pamamagitan ng walong flights mula Dubai sublait umangal umano ang gobyerno roon dahil sa napupuno ang kanilang airport ng mga Pinoy kaya gumamit sila ng commercial flight mula Greek pauwi sa Pillipinas.

Mistula namang nagturuan kung sino ang may kasalanan sa kapalpakan ng pag e-evacuate ng mga Pinoy sa Libya matapos sisihin ni Michael Macaraeg ang mga kasamahan nitong opisyal sa DFA dahil sa hindi umano pagbi-brief sa kanila at kakulangan ng pondo bago sila ipadala sa Libya..

Nilinaw naman ni Conejos na mayroong inilaang pondo ang DFA para sa kanilang operasyon sa mga OFWs na P480 milyon, P400,000 naman mula sa OWWA. Ang International Organizations of Migration ay hindi umano aktibo sa pagtulong kaya’t 99- porsiyento ng operasyon ay pinondohan ng gobyerno. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply