2,000 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC

TINATAYANG aabot sa 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang malaking sunog na naganap sa Visayas Avenue, Quezon City Miyerkules, Marso 16.

Ayon sa ulat, hinihinalang ilegal na koneksyon sa kuryente ang pinagmulan ng sunog na nagsimula ganap na ika-8:00 ng gabi.

Mabilis ang naging pagkalat ng apoy dahil na rin sa dami ng ilegal na kable ng kuryente sa lugar kung kaya’t uamabot agad sa Task Force Bravo ang sunog matapos lamang ang isang oras.

Aabot umano sa P10 milyon ang napinsala dahil sa sunog. Nagkabuhul-buhol din ang trapiko sa Visayas Avenue dahil isinara ang isang linya nito.

Nanawagan naman si Quezon City Mayor Herbert Bautista na bigyan ng tulong ang mga biktima ng sunog na karamihan ay walang permanenteng ikinabubuhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply