2011 schedule ng graduation rites inilabas ng DepEd

BINAGO na ng Department of Education (DepEd)  ang naunang anunsyo tungkol sa itinakdang araw ng pagtatapos ngayong 2011.

Sa kanilang anunsyo mula March 24-28, inilipat ng April 1-7 ang mga araw ng pagtatapos ngayong 2011 batay sa DepEd Order No. 7 na inilabas nitong January 21.

Ayon sa DepEd Order No. 13 na inilabas noong Pebrero, kasalukuyang taon, hindi pinapayagan ang Parents Teachers Association o Parents Teachers Community Association officers na magkaroon ng recognition.

Sinasabi rin ng naturang order na maaaring magkaroon ng boluntaryong kontribusyon sa pagitan ng mga miyembro ng PTA o PCTA lamang.

Hinihimok din ng DepEd ang isang simple subalit masaya at memorableng seremonya na magtuturo ng responsibilidad sa sarili at komunidad sa mga magsisipagtapos nang hindi gumagastos ng malaki.

Dagdag pa rito, ang kontribusyon sa annual yearbook ay boluntaryo lamang.

Ang tema para sa pagtatapos ngayong taon ay “Ang mga magsisipagtapos: Kaagapay tungo sa pagbabagong anyo ng lipunan, tugon sa hamon ng sambayanan.” Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply