249 katao ligtas sa pagbaha sa Cagayan

CAGAYAN DE ORO CITY—Dahil sa agarang pagkilos ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction Management Council, 249 residente ng El Salvador, Misamis Oriental ang nasalba sa sakuna dala ng pagbaha nitong Miyerkules, ayon sa hepe ng CDRRMC.

Sinabi ni Carmelito Lupo, director ng Office of Civil Defense-X (OCD-10) na siya ring namamahala sa CDRRMC, na umapaw ang tubig sa ilog Taguilas sa El Salvador dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, ikinalubog ng mga barangay ng Amoros at Molugan.

Nilinaw naman ni Lupo na walang namatay sa pagbaha at ligtas ang lahat ng residente sa dalawang barangay ng El Salvador. Albus D. Estabas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply