28 Filipino seafarer hinostage ng Somali pirate

UMABOT sa 28  Filipino seaferer ang nabihag ng Somali pirates nang i-hijack ng huli ang  MV Dover at isa pang barko na mula sa Yemen patungong Pakistan.

Ang unang barko na may lulang 19 na tripulante ay hinijack 420 kilometer mula sa Salalah Port sa bansang Oman.

Maliban sa 19 na Pinoy ay binihag din ang tatlong Romanian at isang Russian.

Ayon naman sa European Union Naval Force na nagpapatrolya sa karagatan sa paligid ng Somalia, may isa pang barkong mula sa Yemen na papuntang Pakistan ang hinijack din ng Somali pirates.

May siyam na Pinoy sa nasabing barko.

Samantala, kinumpirma rin ng pamahalaan ng Denmark na hinijack ng Somali pirates ang isang Danish sailboat sa Indian Ocean na may lulang apat na matatanda at tatlong bata.

Ayon sa ulat na nakarating sa Department of  Foreign Affairs (DFA), ito ang unang pagkakataong may hinostage na mga bata ang mga pirata sa Somalia. Johnny Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply