3-anyos hinostage ng ama

BINALOT ng tensiyon ang isang residential area sa Mandaluyong City nang tutukan ng patalim ng isang ama ang kanyang tatlong taong gulang na anak makaraang magdesisyon ang kanyang live-in partner na iwan ito, Biyernes ng umaga, Marso 4.

Ayon sa report ng dzBB, hinostage ni Mark Alumino, 28, ang mismong anak nito matapos ang pagtatalo nila ng kanyang live-in partner.

Naganap ang insidente sa Nueve de Pebrero st., Addition Hills village.

Nabatid na namagitan si Rodolfo Posadas, Brgy. Captain ng naturang lugar kung saan nakumbinsi naman nitong pakawalan na ang kanyang anak.

Ayon pa sa imbestigasyon, nagpasyang iwan na si Mark ng kanyang ka-live in dahil sa binubugbog umano siya nito lalo na kapag siya ay nakainom. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply