Tatlong drug pusher arestado sa Kyusi

ARESTADO sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation ng Galas Police Station (PS-11) at Cubao Police Station (PS-7) ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong suspek matapos mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director Police Chief Superintendent Benjardi Mantele, ang mga nahuling sina Joel Cachela, 31; walang trabaho, Marnelli Sudario, 32; hiwalay sa asawa, nakatira sa 5CV Fransisco St.,Pook Amorsolo U.P Campus, Diliman, Quezon City at Liza Pangilinan, 39; walang asawa at residente ng no. 11 Angeles St., Barangay Krus Na Ligas, Quezon City.

Si Cachela ay inaresto ng operatiba ng PS-11 bandang 3:15 ng madaling-araw kanina, Marso 23 sa Araneta Avenue cor. E. Rodriguez Ave., Barangay Tatalon matapos makuhanan ng isang plastic sachet ng pinatuyong marijuana.

Sina Sudario at Pangilinan ay nadakip naman pasado alas 8:00 ng gabi sa isinagawang  buy bust operation ng PS-7 sa Maginhawa St., Barangay Sikatuna.

Nahulihan ng dalawang maliit na plastic sachet ng shabu ang mga suspek na agad dinala sa Cubao Police Station.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag ng Republic Act 9165. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply