3 ASG todas sa bakbakan

TATLONG bandidong Abu Sayyaf ang napatay ng mga tauhan ng Armed Forces of the philippine sa halos isang oras na sagupaan sa Patikul Sulu, ayon sa militar kanina.

Ayon sa ulat na ipinarating ni Western Mindanao Command chief Marine Ltgen Juancho Sabban sa tanggapan ni AFP chief of staff Gen Eduardo Oban, naganap ang sagupan bandang 6:00 ng umaga sa bisinidad ng Patikul.

Ayon kay Ltcol Randolf Cabangbang, kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng Marine Battalion landing Team 5 na pinamumunuan ni 2Lt Flores PN(M) ng masabat ang pangkat ng Abu Sayyaf .

Kumpirmadong tatlong  miyembro ng ASG na pinangungunahan ni ASG  Sub-leader Jamiri Jawong Jawari ang napatay.

Tumagal ng mahigit 50 minuto ang palitan ng Putok bago tuluyang umatras ang mga kalaban.

wala namang inulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan.  Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply