3 batang ‘holdapers’ biktima ng maling akala

HINDI sila holdaper. Sila pa nga ang biktima.”

Ito ang mariing inihayag Biyernes ng gabi ni Pastor Toti Callao ng Pastor of Jesus Calls Commission Fellowship kaugnay sa  tatlong kabataang inaresto at sa pagkakapatay ng isa nilang kasama  dahil sa umanoy panghoholdap sa isang pampasaherong jeep sa Adriatico Manila.

Ayon pa kay Pastor Callao, sina John,15, Marco,16, Daniel Lesaca, 22, ay pawang mga natutulog lamang sa riles sa Guadalupe, Makati City matapos na mademolish ang kanilang bahay sa gilid ng riles ng tren.

Aniya, dahil sa may programa ang kanilang simbahan para sa mahihirap ay nakabilang ang mga nasabing kabataan sa mga aktibidades sa simbahan gaya ng pagkanta at bible study.

Sinabi ni Callao na nagtaka umano siya kung bakit hindi nakadalo sa kanilang praktis sa pagkanta ang tatlong naaresto kaya nang malaman nila na nakakulong sa MPD ay kaagad niyang pinuntahan.

“Nagtaka ako kasi dapat may practice yang mga yan dahil naka-enroll sila sa music ministry kaso hindi sila nakadalo. Nung nalaman ko na nakakulong nga sila ay agad-agad akong nagtungo dito sa MPD,” ayon sa Callao.

Nabanggit din umano ng nakatakas na kapatid ng nasawing si Marvin Bagunas na si Mario na nagalit lamang ang driver ng jeep na si Rolando Hugo, 50, nang sumabit ang mga ito sa jeep dahil may mga dala silang kalakal kaya sumigaw ito ng “holdaper” ng paulit-ulit.

Tiyempo namang  may napadaang mobile car at dahil sa taranta ay nagtatakbo ang mga kabataan na nauwi sa habulan at ng operatiba ng  Manila Police District-District Police Mobile Unit (DMPU) kay Bagunas. Jocelyn-Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply