3 drug traffickers arestado sa search warrant

NAKADETINO ngayon sa kulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong umano’y drug pusher matapos mahulihan ng iligal na droga at drug paraphernalias sa isinagawang search warrant operation sa Naga City.

Sa isinumiteng ulat ng PDEA Regional Office 5 kay Usec. Jose S. Gutierrez Jr., PDEA director general, sa bisa ng search warrant sa lugar ng Sagrada Familia, Barangay Peñafrancia, Naga City, kinilala ang mga inarestong sina Virgilio Adan y Mazilla; at mga anak na sina Sancho at Noel Radores y Albania.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang hinihinalang 25.49g na shabu, isang super pistol .38 kalibre, isang magazine at 21 live ammunition, isang unit ng cellphone, 105 piraso ng empty plastic sachets, hindi malamang dami ng marijuana, drug paraphernalia, dalawang timbangan, at perang nagkakahalaga ng  P86,691 na pinaniniwalaang galing sa illegal drug trade.

Pansamantalang nakapiit sa Naga Central Police Office Detention Facility ang mga nahuling suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang nasabing pagkakahuli ay resulta ng katatapos na kasunduang nilagdaang Memoradum of Agreement (MOA) sa pagitan nina PDEA RO5 director III Archie A. Grande, Department of Interior and Local Government (DILG) Region 5 director Blandino Maceda at Naga City Mayor John Bongat, nitong buwan lamang sa pakikipagtulungan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (Badac). Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply