3 ex official ng Philcomsat kinasuhan na ng BIR

ISINAMPA na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang kaso sa tatlong dating matataas na opisyal ng Philcomsat Holdings Corporation na iba’t ibang bilang ng kasong tax evasion.

Sa reklamo ng BIR, kinasuhan si Benito Ramon Araneta, Philcomsat  chairman at director  ng tatlong bilang ng tangkang pag-iwas na makabayad ng tamang buwis at tatlong bilang ng sadyang hindi pagbibigay ng tamang impormasyon para sa taxable year na 2003,2004 at 2005.

Sa imbestigasyon ng BIR, naghain si Araneta ng kanyang income tax return para sa taong 2003 hanggang 2005, gayunman bigo si Araneta na ideklara ang kanyang tamang sweldo, mga allowance, fees at Director’s allowance at per diems mula sa Philcomsat na aabot ng P104,087,640.00.

Samantala, kinasuhan din sa BIR ang isa sa Board of Director na si Atty Luis Lokin Jr ng 49 bilang ng iba’t ibang paglabag sa tax law.

Magugunita na si Lokin Jr ay isa sa inimbestigahan ng Senado dahil sa pagkakasangkot sa kwestyunableng pagpapalabas ng pondo ng mga kumpanyang Philcomsat, Philippine Overseas Telecommunication Corp at Philcomsat holdings Corp.

Aabot sa mahigit P12 milyon ang hindi nabayaran na buwis ni Lokin  mula 2003 hangang 2007 maliban pa sa P3.7 milyon na halaga ng value added tax teruns na hindi niya naihan sa BIR.

Isa pa sa kinasuhan sa DOJ ay ang director ng Philcomsat na si Philip Brodett dahil sa 10 bilang umano ng kasong paglabag sa tax law.

Umaabot sa P526,610,537.55 ang hindi nabayarang buwis ni Brodett mula taong 2003 hanggang 2007. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply