3 katao utas sa pamamaril sa Benguet

CAMP DANGWA, Benguet – Tatlong katao ang iniulat na magkakasunod na napatay sa magkakahiwalay na pamamaril sa Cordillera, ayon sa Police Regional Office-Cordillera, La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Supt. Leon Talleo, information officer, malaki ang hinala ng pulisya na biktima ng gun for hire ang pinatay na si Rey Vasquez Bio, 35, ng Barangay Dangdangla, Bangued, Abra matapos pagbabarilin ng mga suspek na naka-motorsiklo nitong Martes ng hapon.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano motibo sa pamamaslang.

Abala naman sa pamamasada ng kanyang tricycle si Roger Bulao Cullapoy, 35, ng Bulanao, Tabuk City, nang biglang may tumapat sa kanya na motorsiklo sakay ang dalawang armado at walang sabi-sabing pinagbabaril siya hanggang mapatay.

Ayon kay Talleo, nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya laban sa dalawang suspek na pumatay sa biktimang si Erlinda Abalos Cabacungan, 49, ng Banbanay, Barangay Namnama, Alfonso Lista, Ifugao at pagkatapos ay tinangay ang P290,000 na pinagbentahan sa inaning mais at palay.

Napag-alaman na ang biktima, kasama ang anak na si Marilou, 13, ay nasa loob ng kanilang bahay nang biglang pumasok ang dalawang suspek na naka-bonnet dakong 11 ng tanghali.

Agad na pinalo muna ng baril sa ulo ang biktima nang manlaban saka binaril, habang si Marilou naman ay nagawang makatakbo papalabas at nagtago sa taniman ng mais.

Kinondena naman ni Mayor Glenn Prudenciano ang karahasan at iniutos ang masusing imbestigasyon para agad na matukoy ang mga salarin. Thommy Picana

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply