3 kongresista sumailalim sa PDEA drug test

SUMAILALIM na ang tatlong mambabatas sa voluntary drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Lunes ng umaga, Marso 7.

Ito ay pinangunahan ni Rep. Alfredo “Albee” Benitez ng ikatlong-distrito ng Negros Occidental.

Ayon kay Benitez, ang mga magpapa-drug test ngayong umaga ay karamihang mga neophyte lawmakers.

Bukod kay Benitez ay sumailalim na rin sa naturang drug test sina Democratic Independent Workers Association (DIWA) Party-list Rep. Emmeline Aglipay at Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento.

Samantala, hindi pa sumisipot sina Reps. Mercedes Alvarez, Rachel Marguerite del Mar ng Cebu, Joseph Victor Ejercito (San Juan), Ben Evardone (Eastern Samar), Karlo Alexie Nograles (Davao) Jesus Crispin Remulla (Cavite) Mel Senen Sarmiento at Mark Villar (Las Piñas).

Sinabi ni Benitez, inaasahan na anumang oras ngayong araw ay tutungo din ang mga nabanggit na mambabatas sa PDEA para magpa-drug test. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply