4 patay, 1 sugatan sa nahulog na SUV

APAT ang patay habang isa ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang pulang Pajero SUV Linggo ng umaga, Marso 6, sa baguio City.

Ang sasakyan na may plakang WEG-254 ay nahulog bandang 6:30 ng umaga sa 40-metrong bangin sa Barangay Tokang, Camp 3, Kennon Road, Tuba na agad ikinamatay ng apat sa limang sakay nito.

Ang mga nasawi ay sina Francisco Lloren Orencia, driver ng sasakyan; Clotelda Gagaoin Balderas, 61; Marie Margarette Caoili, 53; at isang ‘di pa nakikilalang babae.

Agad isinugod ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nagmamanman sa lugar ang isang nakaligtas na kinilalang si Marilyn San Luis Camacho, 63.

Pinangunahan ni P/Supt. Dexter Ollaguing ang isinagawang retrieval operations. Kasalukuyang inaalam na ng pulisya ang sanhi ng aksidente. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply