3 patay, 7 sugatan sa vehicular accident sa Cagayan

PATAY agad ang tatlong lalaki habang pitong iba pa ang nasugatan matapos maaksidente sa Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ang mga biktima na sina Jayson Jacob, 31, ng Ipil, Gonzaga; Rolly Tollio, 31, at Reyse Bermudez, 22, ng Sta. Cruz, Gonzaga, Cagayan.

Nabatid na tinatahak ng mga biktima habang sakay ng Mitsubishi Strada (ZPF 292) ang pambansang lansangan ng Barangay Mission Road sa Sta. Teresita patungo sa bayan ng Gonzaga nang biglang sumabog ang kanang gulong sa harapang bahagi ng sasakyan.

Dahil dito tumawid sa kabilang lane ang sasakyan kung saan hindi na nakontrol ng drayber na si Enson Walter Rasos ang pagmamaneho hanggang sa bumangga sa isang gmelina tree.

Bukod sa tatlong namatay, sugatan din ang pitong sakay na sina Victor Rasos at Joey Tacal, 21, kapwa ng Barangay Ipil; Jovelyn at Orlando Tacal, Noemi Alicias, 20, taga Barangay Sta. Maria at Ma. Clarence Arizabal, ng Claveria, Cagayan.

Kabilang din sa mga sugatan ay ang driver ng naturang sasakyan. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply