3 patay sa aksidente sa Isabela

TATLO ang kumpirmadong patay sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Isabela.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rolly Tigas, 26, at angkas na si Rizaldy Entera, 25, na kapwa residente sa Barangay Alibagu, Ilagan,Isabela.

Dakong alas 9:30 Linggo ng gabi, Marso 6, nang bumangga sa sinusundang Isuzu trailer truck ang motorsiklo na minamaneho ni Tigas.

Napag-alaman na ang truck na may mga kargang softdrinks na idedeliver sana sa Solano, Nueva Vizcaya ay minaneho ni Fernando Gubual ng Bliss Village, Ilagan, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP-Ilagan, nilagpasan ni Tigas ang unang sinusundang sasakyan at dumaan sa shoulder ng lansangan ngunit hindi nito natantiya kaya’t bumangga sa likuran ng trailer truck.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Samantala, isang binata ang nasawi sa provincial road sa Barangay Magsaysay, Nagillan, Isabela matapos maaksidente sakay ng motorsiklo.

Nakilala ang biktima sa pangalang Danny Tabay Aguinaldo,23, residente rin sa nasabing bayan. Sa ngayon ay inaalam pa rin ng pulisya ang sanhi ng aksidente. Felix Yoro Medrano, Jr./Jun Fuentes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply