3 patay sa sunog sa Angeles City

TATLONG miyembro ng pamilya ang namatay matapos masunog ang kanilang bahay sa Angeles City, Pampanga, Martes ng madaling-araw, Marso 8.

Nakilala ang mga biktimang sina Leandro Dumalo, ang kanyang maybahay na si Cristina at ang kanilang 17-anyos na anak na si Joy.

Ang mga sunog na bangkay ng nabanggit na mga biktima ay natagpuan sa isang kwarto sa nasunog na apartment sa Barangay Pulung Bulo.

Nabatid na naganap ang sunog bandang alas-tres ng madaling-araw kung kailan nasa kahimbingan ng pagtulog ang mga biktima.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Ricardo Agapito, Angeles City fire station’s chief investigator na faulty electrical wiring ang maaaring maging sanhi ng sunog. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply