3 preso nakatakas

PATULOY na tinutugis ang tatlong presong nakatakas sa Tanay Municipal Jail sa bayan ng Tanay Rizal  kaninang madaling araw, Marso 10.

Ang mga nakatakas ay nakilalang sina Roger Orillo,21, na may kasong rape, residente ng  Pililla,Rizal; Ricky Buenaventura,30, may kasong theft, residente rin ng Pililla,Rizal at Gilbert Rivera,22, may kasong robbery at na tubong Ozamis,Occidental.

Sa inisyal na report na nakarating sa Rizal Provincial Police Office naganap ang pagtakas bandang-2:00 ng madaling araw sa pamamagitan ng pagtungkab ng bakal sa likuran ng kulungan nang makita ng mga ito na natanggal ito sa pagkakatanggal sa pagkakawelding nito.Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply