3 QC councilors sabit sa ‘ghost employees’

NAHAHARAP sa asunto ang tatlong Quezon City councilors dahil sa pagkakaroon ng ghost employees.

Kabilang sa mga konsehal na inireklamo sa Office of the Ombudsman ng isang Jimmy Lee Davis ay sina 2nd District Councilor Roderick Paulate; 4th District Councilor Marvin Rillo at 1st District Councilor Francisco “Boy” Calalay.

Sa dalawang pahinang liham na ipinaabot sa Ombudsman, hiniling ng abogado ni Davis na si dating Senador Aquilino Pimentel, Jr., na mag-isyu ang Tanodbayan ng kaukulang subpoena para mailantad ang mga dokumentong susuporta sa alegasyon ng complainant.

“Mr. Davis accuses the three (councilors) with hiring ‘ghost employees’ and paying those non-existent employees with thousands of the people’s money,” sabi pa ni Pimentel sa naipadalang liham.

Para mas masuportahan ang reklamo, ipinakita pa ni Sen. Pimentel ang mga kopya ng pekeng personal data sheets na may pekeng mga larawan at kahina-hinalang job order para sa umano’y ghost employees ng tatlong konsehal.

Nais din ni Pimentel na i-summon si QC Treasurer Edgar Villanueva at ipag-utos na ipalabas ang payroll ng umano’y ghost employee.

“Should your office exercise the powers vested in it by the law, you will discover even more glaring anomalies tainting the employment practices of the Quezon City Sangguniang Panglungsod especially in the use of the MOOE (miscellaneous and other operating expenses) portion of their budget,” ayon pa kay Pimentel.

Sa apat na pahinang sinumpaang salaysay, sinabi ni Davis na naging empleyado siya ng City Council noong 1992 hanggang 2010 at nakapagtrabaho na rin siya sa tanggapan ng napakaraming konsehal.

“Ghost employees under the Office of the Quezon City councilors are in fact proliferating,” ayon pa kay Davis.

Idinagdag pa ni Davis na kinukuha umano ng mga konsehal na akusado ang kanilang pondo para sa ghost employees, seminars, meetings at special projects sa kanilang MOOE.

Iminungkahi rin ni Davis sa Ombudsman na busisiin maigi ang MOOE ng Sangguniang Panlungsod ng Quezon City. Robert Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply