3 samahan ng narses dumulog sa Kamara

TATLONG malalaking samahan ng mga narses sa Pilipinas ang dumulog sa Kamara de Representantes upang hikayatin ang mga kongresista na ipasa ang panukalang batas na pipigil sa pagsasamantala ng ilang pagamutan sa kanilang propesyon.

Ang tinutukoy ng Nars ng Bayan, Philippine Nurses Association at Ang Nars ay ang House Bill 767 na dapat mai-certify bilang urgent upang hindi sila mapagsamantalahan ng ilang government at private hospitals na hindi nagbibigay ng sahod o allowance na nararapat sa kanilang propesyon.

Ang HB 767 ay inihain ni Laguna Rep. Edgar San Luis matapos na mabigo ang 14th Congress na ito ay maisabatas.

Kinalampag nina San Luis, at Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Luz Ilagan ang Departments of Health at Departmentof Labor and Employment na tingnan ang reklamo ng may 280,000 nurses na sapilitang gumawa ng regular nursing jobs sa mga pagamutan ng hindi nababayaran ng sapat.

Sina De Jesus at Ilagan ay kabilang sa mga may-akda ng House Resolution 861 na mahigpit na nananawagan kay Pangulong Benigno Aquino na pagbawalan ang mga hospitals at medical institutions na maningil ng training fees sa mga professional at registered nurses.

Isang imbestigasyon ng Kamara ang naka-amba sa isyung ito dahil sa patuloy na pagdating ng mga reklamo sa mga mambabatas.

Nais ni Nars ng Bayan president Eleanor M. Nolasco na pakinggan ni Health Secretary Enrique Ona ang kanilang apela upang mahinto na ang aniya’y illegal, unethical at exploitative practice na ito. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply